We need a leader, not a pretender — Alvarez
Malubha ang epekto ng PANDEMYA dulot ng COVID-19.
Dalawa sa pinaka-importanteng pangangailangan ng mga Pilipino ang lubhang na-apektuhan,
1. Kalusugan
2. Kabuhayan at Trabaho
Ang susunod na Pangulo, kailangan tutukan ang KALUSUGAN ng taong bayan, mayaman at mahirap, bata at matanda, dapat bigyan proteksyon ng gobyerno.
Dahil kapag laganap ang sakit, durog ang EKONOMIYA, lugi at sarado ang mga NEGOSYO, at ang mga tao GUTOM at walang TRABAHO.
Hindi madali ang kailangan gawin ng susunod na Pangulo. Timbangin ang mga kandidato. Meron ba siyang:
- UTAK, may sapat na talino na kayang intindihin ang mga problema natin at humanap ng solusyon;
- PUSO at DAMDAMIN para sa mga tao. Kinakailangan sa isang Pangulo ay hindi manhid sa paghihirap ng mga tao.
- BAYAG, kailangan may tapang at lakas ng luob para gawin ang ika-bubuti ng bayan kahit sino ang masagasaan;
- PANININDIGAN, dapat marunong siyang manindigan para sa bayan hindi maari ang atras abante.
Magtulungan tayo para makabangon mula sa krisis na ito. We need a Leader, not a Pretender.
Cong. Bebot Alvarez
#WeNeedALeader2022