MGA KATANGIAN NG SUSUNOD NA PANGULO, INISA-ISA NI REP. PANTALEON ALVAREZ

MGA KATANGIAN NG SUSUNOD NA PANGULO, INISA-ISA NI REP. PANTALEON ALVAREZ

MGA KATANGIAN NG SUSUNOD NA PANGULO, INISA-ISA NI REP. PANTALEON ALVAREZ

Inihayag ni Davao del Norte 1st District Rep. Pantaleon Alvarez ang apat na mahahalagang kwalipikasyon o batayan para sa pagpili ng susunod na pangulo ng bansa.

Sa Balitaan sa Maynila virtual media forum, sinabi ng mambabatas na dapat ang papalit kay Pangulong Rodrigo Duterte ay batid ang bigat ng problema sa bansa. Mahalaga rin aniya na may sapat na talino at kakayahang mamuno sa bansa ang susunod na pangulo.

Dagdag pa niya, dapat ngayon pa lang nag-iisip na ito ng mga paraan o solusyon sa mga kinakaharap na problema ng bansa.

Binigyang-diin ni Alvarez, na bukod sa talino, kailangan ding may puso’t damdamin para sa maliliit na kababayan ang mapipiling mamuno sa Pilipinas. Aniya, kapag pinag-uuspaan ang economic recovery ay laging nahuhuli ang mga mahihirap na kababayan at nakikinabang lamang ang malalaking negosyante. Kailangan aniya itong tugunan ng susunod na pangulo. Iginiit pa ng mambabatas na dapat matapang ang magiging lider ng bayan lalo na sa pagharap sa malalaking problema na kailangan ng agarang solusyon. Mahalaga rin na hindi natatakot ang pangulo sakaling may masagasaan man ang mga programa ng gobyerno lalo na kung ikabubuti naman ng taumbayan.

At panghuli, sinabi ni Alvarez na dapat may paninindigan ang pipiliin ng taumbayan na maging pangulo ng bansa.

Paliwanag niya, dapat may paninidigan para sa interes ng mga Pilipino at ng Pilipinas ang susunod na pangulo at hindi lamang para sa interes ng Amerika o China.

Nang tanungin kung may plano itong tumakbo sa mas mataas na posisyon, sinabi ng mababatas na wala pa siyang plano dahil may isa pa siyang termino sa Kongreso. (Jocelyn Domenden)

Source:
MGA KATANGIAN NG SUSUNOD NA PANGULO, INISA-ISA NI REP. PANTALEON ALVAREZ – News Patrol