MENU
LPGMA Logo

News & Events

December 4, 2015

Sagot ni Poe tungkol sa US citizenship, inaabangan

Naniniwala ang isang mambabatas na hindi lamang siya kundi maging ang buong sambayanan ay nag-aabang sa paliwanag ni Sen. Grace Poe kung bakit sa isang pagkakataon ay naging citizen siya ng Amerika.

Ayon kay House deputy minority leader Arnel Ty, hindi dapat masamain ni Poe ang pagbulatlat sa kanyang pagkatao dahil natural lamang, aniya, ito sa mga taong tulad niya na gustong maging pangulo ng bansa.

“Since Senator Poe is now running for president no less, she has to deal with the reality that she has put herself and her family under a microscope,” pahayag ni Ty dahil pinakamataas na posisyon sa gobyerno ang nais nitong takbuhan.

“Voters deserve a straightforward answer from the senator, on the question as to the specific circumstances that compelled her to seek and acquire US citizenship, and surrender her Filipino citizenship. This is a perfectly legitimate question that is of great public interest,” dagdag pa ng kongresista.

Ayon kay Ty, handang makinig ang mamamayan sa paliwanag ni Poe kaya kung bakit nito tinalikuran ang kanyang pagka-Filipino lalo’t marami naman aniyang Pinoy na naninirahan sa Amerika ang piniling manatiling Filipino kahit ilang taon nang naninirahan sa dayuhang teritoryo.

Inihalimbawa pa ng mambabatas ang isang magkapatid na Filipino nurse at pharmacist (sinadyang hindi nito pinangalanan) na 30 taon nang nakatira sa Amerika pero hindi nagpalit ng citizenship para talikuran ang pagiging Filipino.

comments powered by Disqus