MENU
LPGMA Logo

News & Events

October 7, 2014

REMATE: Emergency powers ng Pangulo, ‘di kailangan — mambabatas

MARIING tinutulan ng isang mambabatas ang pagbibigay ng emergency powers kay Pangulong Noynoy Aquino upang matugunan umano ang nagbabadyang krisis sa enerhiya sa susunod na taon.

Ayon kay LPGMA Partylist Rep. Arnel Ty, tila target lamang ng administrasyon na gastusin ang pondo mula sa Malampaya fund kaya’t iginigiit ni Energy Secretary Jericho Petilla sa Pangulo na gamitin ang dagdag na kapangyarihan.

Binigyang-diin ng mambabatas na mismong si Petilla na ang umaming mayroong 600 megawatts ng kuryente ang inaasahang kakulangan ngunit mayroon namang 2,000 megawatts na kuryente ang nakareserba para sa susunod na taon.

Dahil dito, nagtataka si Ty kung bakit kailangan pa ng emergency powers ng Pangulo gayung mas malaki naman ang reserbang kuryente kaysa sa projected na kakulangan sa suplay nito. 

comments powered by Disqus