MENU
LPGMA Logo

News & Events

March 18, 2015

RADIO DZMM: Taas-presyo sa LPG, pinaiimbestigahan sa DOE-DOJ Task Force

Inihirit ng LPGMA partylist na ipasiyasat sa Energy at Justice Department Task Forceang umano'y overpricing ng liquefied petroleum gas (LPG) ng bulk suppliers nito.Una nang naghain ng reklamo sa Task Force si LPGMA Representative Arnel Ty parapakilusin ito.Anya, obligado ang lupon na aksyunan sa pinakamabilis na paraan ang P0.50 kadakilong umento ng bulk suppliers ng LPG na katumbas ng P5.50 pagtaas sa kada 11kilong tangke ng LPG para sa retailer consumers.P1 hanggang P1.50 naman ang itinaas sa kada kilo ng bulk consumers.Giit ni Ty, walang batayan ang pagtaas na ito lalo't U$ 471 kada tonelado ang contractprice ng LPG sa abroad noong Pebrero habang U$ 472 kada tonelada naman nitongMarso.Ibig sabihin, hindi anya dapat hihigit sa P0.04 lamang ang dapat itaas sa kada kilo ngLPG sa bansa. 

comments powered by Disqus