MENU
LPGMA Logo

News & Events

April 23, 2015

Presyo ng Pagkain, Mananatiling Mababa

Good news ang hatid ngayong summer ng patuloy na pagtatag ng presyo ng produktong petrolyo dahil katumbas nito ay mananatili ring mababa ang halaga ng mga bilihin, lalo na ang pagkain.
 
“Fuel is the single biggest expense in fishing operations, and since fuel costs are down, there’s no reason for fish prices to go up,” ang pahayag ni House Deputy Minority Leader Arnel Ty na kumakatawan sa LPG Marketers’ Association (LPGMA).
 
Isa sa pangunahing dahilan ng pagbaba ng halaga ng pagkain ay dahil 30 porsiyento ng kita ng mga commercial fishing ope¬rators ay kadalasang inilalaan sa gastusin sa langis at dahil mababa ang pres¬yo nito ay mababawasan ang gastusin ng mga ito.
 
“The deflationary impact of cheaper oil on consumer prices is widespread. It cuts across a broad range of food production, processing and manufacturing industries that are driven by fuel. So overall food prices ought to stay depressed,” sabi pa ni Ty.
 
Nito lamang nakaraang linggo ay nagpatupad ng oil price rollback ang ilang kumpanya ng langis at nagbaba ang mga ito ng mula P.065 sa kada litro ng gasoline, P0.15 sa diesel habang P0.25 naman sa kada litro ng kerosene.
 
Sa record ng Department of Energy (DOE) ang dating presyo kada litro ng diesel ay nasa P28.70 pero bumaba ito ng P11.55 o mas mababa ng 28.7 porsi¬yento kumpara noong nakalipas na anim na buwan.
 
Ang presyo ng LPG ay mas mababa rin sa kasalukuyan ng 20 porsiyento o katumbas ng P508 na lumobo hanggang P728 kada 11-kilogram cylinder ng nasabi ring panahon. 
 
…pero asukal tumaas ng P1/kilo
 
Inanunsyo kahapon ng Sugar Regulatory Administration (SRP) na piso kada kilo ang itinaas sa presyo ng asukal ngayon buwan ng Abril.
 
Ayon kay SRA Administrator Regina Martin, batay sa umiiral na Suggested Retail Price (SRP) P1 lamang kada kilo ang itinaas sa presyo ng asukal at hindi dalawang piso.
 
Maging sa mga supermarket ay nasa P1 lamang ang itinaas ng asukal na kada kilo.
 
Sa kanilang isinagawang price monitoring sa Quinta Market at Quiapo, Maynila nasa P2 ang itinaas kada kilo ng asukal gaya ng puting klase nito na mula sa dating P48.00 kada kilo ay nasa P50.00 na ngayon.
 
Bukod pa rito nasa P2 kada kilo rin ang itinaas ng washed sugar o segunda manong asukal habang napako naman sa P40.00 bawat kilo sa brown sugar.
 
Iginiit naman ng SRA na piso lamang ang dapat na itaas sa presyo ng asukal ito’y batay na rin sa umiiral na SRP.
 
Sinabi pa ni Martin na sa Commonwealth Market sa Quezon City nasa P40 kada kilo ang pulang asukal habang P47 hanggang P50.00 ang kada kilo ng puting asukal.
 
Sinabi pa ni Martin na sa ngayon ay kanilang binabantayan ang mga pamilihan upang hindi magsamantala ang mga tindera rito at, aniya, sana ay sumunod sila sa mga mababang presyo. (Armida Rico)
 
comments powered by Disqus