MENU
LPGMA Logo

News & Events

December 12, 2014

PINOY PARAZZI: PRESYO NG BILIHIN I-ROLLBACK – LPG-MA

NAKIISA ANG LPG Marketers’ Association (LPG-MA) sa panawagan para sa agarang rollback o bawas-presyo ng mga pangunahing bilihin, sa kabila ng patuloy na pagbagsak ng presyo ng petrolyo.

“We are hopeful that producers of basic necessities and prime commodities will heed the Department of Trade and Industry’s call for lower prices,” sabi ni House Deputy Minority Leader at LPG-MA Rep. Arnel Ty.

“A downward correction in consumer prices is only fair and reasonable, considering that fuel prices have nose-dived,” sabi ni Ty, senior member ng House energy committee.

Inihalimbawa ni Ty ang pagbagsak ng presyo ng diesel – ang pinakaginagamit ng langis ng mga producer ng elektrisidad at ng sektor ng transportasyon.

Ayon sa istatistika ng Department of Energy (DOE), sinabi ni Ty na bumagsak ang presyo ng diesel noong Dis. 4 sa P33 hanggang P36 kada litro, mas mababa ng 22 porsyento mula sa P42 hanggang P46 noong nakaraang taon.

“The immediate positive impact is substantially lower electricity as well as transportation costs, which in turn should provide manufacturers greater leeway to reduce their selling prices,” sabi ni Ty.

“It is only right that ordinary consumers start to directly benefit from the plunge in fuel prices,” dagdag pa niya.

Kaugnay naman ng LPG, sinabi ni Ty na pumapalo ngayon sa presyo nito sa P530 hanggang P570 kada 11-kilogram na tangke, mababa ng 42 porsyento mula sa dating presyo na P980.

Tinitingnan din ni Ty na patuloy pang bababa sa 2015 ang presyo ng crude oil sa pandaigdigang pamilihan, dahil na rin sa mataas na suplay at mababang pangangailangan dito.

“There is a flood of oil, while Europe and China are consuming less fuel due to the slowdown in their manufacturing activities,” aniya.

Naglalaro sa $65 kada bariles and presyo ng crude oil sa pandaigdigang pamilihan, mababa nang may 40 porsyento simula noong Hunyo.

“In fact, there are forecasts that prices will drop as low as $43 to $48 per barrel by the second or third quarter next year,” ani Ty.

Patuloy na ipinaglalaban ng LPG-MA ang mas matatag na pamamahala ng gobyerno sa lahat ng merkado sa enerhiya at konsyumer, para maprotektahan ang publiko laban sa mga posibleng ‘di patas na gawi sa kalakalan at mga pananamantala sa presyo.

Sa ilalim ng batas, ang “basic necessities” ay kinabibilangan ng bigas, mais, halamang ugat, tinapay; sariwa, pinatuyo o de-latang isda at iba pang produktong-dagat; sariwang karne ng baboy, baka at manok; sariwang itlog; inuming tubig sa bote at mga container; sariwa at prinosesong gatas; sariwang gulay at prutas; instant noodles na gawa sa bansa; kape, asukal; mantika; asin; sabong panlaba; panggatong na kahoy; uling; kandila; at mga gamot na klasipikadong bilang mahalaga ng Department of Health(DOH).

Kabilang naman sa “prime commodities” ang harina; pinatuyo, prinoseso o de-latang karne ng baboy, baka at manok; dairy products na hindi kabilang sa ‘basic necessities’; sibuyas, bawang, suka, patis, toyo; sabon sa banyo; fertilizer, pesticides at herbicides; poultry, livestock, fishery feeds at veterinary products; papel; school supplies; nipa shingles; sawali; semento; clinker; GI sheets; hollow blocks; plywood; plyboard; pako; baterya; electrical supplies; bombilya; steel wire; at iba pang gamot na hindi klasipikadong bilang mahalaga ng (DOH).

comments powered by Disqus