MENU
LPGMA Logo

News & Events

March 22, 2016

Pinakamalaking ‘ani’ sa APEC PH ‘QUOTA’ VS CHINA

Kahit hindi kasama sa agenda ng Asia Pacific Economic Cooperation (APEC) Leaders’ Summit ang isyu ng West Philippine Sea (WPS) o ang territorial dispute sa Spratlys, umiskor at ‘quomota’ pa nga ang Pilipinas dahil sa pagbuhos ng suporta ng ilang APEC leaders sa pagkasa nito laban sa China.

Ang salitang ‘quota’ ay may pakahulugang “umabot sa puntiryang numero” pero sa lengguwaheng kalye ay na­ngangahulugan din ito ng “nakarami”.


APEC Leaders. Nagpakuha ng larawan ang mga lider na nagsidalo sa Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC) sa bansa nitong Nobyembre 19, 2015.  (Itaas, mula kaliwa) Hong Kong's Chief Executive is Leung Chun-ying, Indonesian Vice President Jusuf Kalla, Japanese Prime Minister Shinzo Abe, South Korea President Park Geun-hye, Malaysian Prime Minister Najib Razak, Mexican President Enrique Pena Nieto, New Zealand Prime Minister John Key, Papua New Guinea Prime Minister Peter O'Neill, Prime Minister Dmitry Medvedev, at Singapore Prime Minister Lee Hsien Loong. (Harapan, mula kaliwa) Chile's President Michelle Bachelet, Canadian Prime Minister Justin Trudeau, Sultan of Brunei Sultan Hassanal Bolkiah, Australian Prime Minister Malcolm Turnbull, Chinese President Xi Jinping, Philippines President Benigno Aquino III, Peru's President Ollanta Humala, Vietnam's President Truong Tan Sang, U.S. President Barack Obama, Thailand's Prime Minister Prayut Chan-o-cha at Taiwan envoy Vincent Siew. (AP)

Mismong si US President Barack Obama pa umano ang unang-unang nagsingit nito sa katatapos na pulong nang sabihin nito na mananatiling matatag ang suporta at all-out na ‘kabalikat’ ng Pilipinas ang Amerika sa lahat ng pagkakataon.

“Mas nagkaroon tayo ng maraming kakampi sa isyung ito laban sa China,” opinyon ni CIBAC partylist Rep. Sherwin Tugna kaya namulat din ang ibang miyembro ng APEC nation leaders sa usaping ito.


Ayon naman kay Eastern Samar Rep. Ben Evardone, ang pagsuporta ng Amerika, Japan at iba pang nasyon sa Pilipinas sa tinatahak na proseso para ipaglaban ang karapatan sa WPS ay indikasyon na nasa panig ng bansa ang mundo.

“Malaking bagay na ang most powerful leader in the world na si Obama ang nagbukas sa isyu ng South China Sea dispute. Ibig lang sabihin nasa panig natin sila,” ayon pa kay Evardone.

Inayunan naman ito ni Magdalo partylist Rep. Gary Alejano, “Ang pronouncement ni Obama na dapat huminto na sa pag-reclaim ang Tsina sa South China Sea ay malaking indikasyon ng resolve nito na matuldukan ang naturang isyu.”
Bukod sa suporta, quotang-quota ang Pilipinas dahil sa mga ibibigay na military hardware ng Amerika at Japan dahil bukod sa dalawang warships galing kay Obama ay isa pang barko ang ipinangako ni Japan Prime Minister Shinzo Abe.

Para naman kay LPG-MA partylist Rep. Arnel Ty, walang duda na sumigla ang global reputation ng Pilipinas sa matagumpay nitong pagho-host ng APEC Summit at nakadagdag pa ang initial legal victory nito sa arbitration case laban sa China sa pinag-aagawang teritoryo.

“APEC Economic Leaders’ Meeting in Manila and the positive preliminary ruling that we recently obtained with respect to our arbitration proceedings against China are among President Benigno Aquino III’s best foreign policy accomplishments,” anang kongresista.
 

comments powered by Disqus