MENU
LPGMA Logo

News & Events

April 23, 2015

Overpricing ng Liquefied Petroleum Gas ng Bulk suppliers, pai-imbestigahan!

Naghain ng reklamo si LPGMA Partylist Rep. Arnel Ty sa Department of Energy o DOE Department of Justice o DOJ task force tungkol sa umano’y overpricing ng Liquefied Petroleum Gas o LPG ng Bulk suppliers nito.
 
Ito’y makaraang umabot sa kanya ang impormasyong mataas ang ipinapatong na presyo bulk suppliers sa LPG.
 
Ani Ty, ang contract price ng LPG abroad ay nasa 471 dollar per ton noong Pebrero habang 472 dollar per ton lamang nitong Marso.
 
Kaya naman aniya, walang dahilan para sobrahan ng Bulk suppliers ang patong nila sa LPG.
 
Iginiit niyang dapat na maimbestighan ang 50 sentimos kada kilo o 5.50 kada 11 kilogram cyclinder na patong ng bulk suppliers sa presyo ng lpg para sa retail consumers.
 
Habang piso hanggang p1.50 kada kilo naman ang itinaas para sa Bulk customers.
 
comments powered by Disqus