MENU
LPGMA Logo

News & Events

December 22, 2014

NEWSCENTRAL.PH: Rollback sa presyo ng basic goods, ihinirit ng isang Kongresista

Nanawagan si Rep. Arnel Ty ng LPG Marketers’ Association partylist sa mga negosyante sa bansa na magpatupad ng rollback sa presyo ng basic goods.

Ayon kay Ty, wala nang sapat na rason ang mga negosyante na magtaas ng presyo dahil patuloy na bumaba ang presyo ng oil product sa pandaigdigang pamilihan.

“We are hopeful that producers of basic necessities and prime commodities will heed the Department of Trade and Industry’s call for lower prices,” ayon kay Ty.

Base sa statistics ng Department of Energy, nasa P33 hanggang P36 na lamang ang presyo ng diesel kada litro o mas mababa ng 22 percent kumpara noong nakaraang taon na umaabot ng P42 hanggang P46.

“A downward correction in consumer prices is only fair and reasonable, considering that fuel prices have nose-dived,” pahayag ni Ty.

“The immediate positive impact is substantially lower electricity as well as transportation costs, which in turn should provide manufacturers greater leeway to reduce their selling prices,” dagdag ni Ty.

Iginiit pa ni Ty na karapatan ng mga consumer na direktang makinabang sa pagbaba ng fuel prices.

comments powered by Disqus