MENU
LPGMA Logo

News & Events

December 22, 2014

NEWSCENTRAL.PH: Airline fuel surcharge dapat tanggalin

Hinimok ni Rep. Arnel Ty ng LPG Marketers’ Association ang Civil Aeronautics Board (CAB) na ipatanggal na sa mga airline company ang paniningil ng fuel surcharge sa mga pasahero.

Ayon kay Ty, ito ay dahil sa patuloy na bumababa ang presyo ng produktong petrolyo sa pandaigdigang pamilihan.

“To allow passengers to enjoy lower airfares, the CAB should eliminate the fuel surcharge mechanism. Better yet, it should be replaced with a fuel discount scheme that will compel airlines to automatically lower fares as oil prices go down,” pahayag ni Ty.

Ayon kay Ty, aabot sa P500 ang ikinakargang fuel surcharge ng mga airline company sa domestic passenger habang $400 naman sa international passenger.

Iginiit ni Ty na dapat na makinabang ang mga pasahero lalo na ang mga overseas Filipino workers (OFWs) sa pagbaba ng presyo ng produktong petrolyo.

“Whether the OFW is returning or leaving, $400 (P18,000) is a lot of money and potential savings,” pahayag ni Ty.

Aabot sa 21 milyong domestic airline passengers ang naitala ngayong taon habang aabot naman sa 5,000 OFWs ang umaalis ng bansa kada araw.

comments powered by Disqus