MENU
LPGMA Logo

News & Events

April 23, 2015

LPGMA, nangalampag na dahil sa sobrang taas ng bentahan ng LPG sa merkado

Kinalampag na ng LPG Marketers’ Association (LPG-MA) ang Department of Energy (DOE) at Department of Justice (DOJ) para imbestigahan ang umanoy sobrang taas na bentahan ng liquefied petroleum gas (LPG).
Ang hakbang ay ginawa ni LPG-MA at House Deputy Minority Leader Rep. Arnel Ty, upang maawat ang nagsasamantalang mga suppliers ng LPG at upang maimbestigahan na ang nasabing pagsasamantala.
Ayon sa solon, ang DOE-DOJ ay may mandato na umaksyon laban sa hindi makatwirang pagtataas sa presyo ng produktong petrolyo lalot nananatili namang mababa ang presyo sa pandaigdigang merkado.
Ibinunyag din ng mambabatas na ilang suppliers ng LPG ay nagtaas ng P50 kada kilo ng LPG o katumbas ng P5.50 kada 11 kilogram cylinder at ipinapasa nila ito sa kanilang mga consumer ng P1-P1.50 ang kada kilo.
 
comments powered by Disqus