MENU
LPGMA Logo

News & Events

April 23, 2015

Halos 200,000 Bakanteng Posisyon sa Pamahalaan, Hindi pa rin Umano Napupunan

Mayroon umanong halos 200,000 bakanteng posisyon sa gobyerno na hindi nito pinupunuan ng manggagawa.
Ito ang nadiskubre ni House Deputy Mino¬rity Leader Arnel Ty kasabay ng pagsasabing nakakahiya ang pagtanggi ng gobyerno na lagyan ng mga tao ang mga bakanteng posisyon.
Gayung alam aniya ng pamahalaan na mataas pa rin ang unemployment rate sa bansa.
Ayon kay Ty, mismong ang Department of Budget and Management (DBM) ang nag-report na umaabot sa halos 200,000 iba’t ibang posisyon sa halos lahat ng ahensya ng gobyerno ang hindi pa naookupahan hanggang sa ngayon.
 
comments powered by Disqus