MENU
LPGMA Logo

News & Events

December 8, 2015

Grace Poe, magiging dehado sakaling tumakbo si Mayor Duterte sa 2016 Presidential Elections

September 21, 2015

Posibleng magiging pinaka-dehado sa lahat ng mga presidential candidate si Sen. Grace Poe sakaling magpasiya ngang tumakbo si Davao city mayor Rodrigo Duterte.

Ito ayon kay house deputy minority leader Arnel Ty ay sa dahilang tiyak na iku-konsidera ng mga botante ang mga kandidatong may sapat na karanasan sa paglilingkod sa bayan.

Bagama’t ilang beses na aniyang nagsabi si Duterte na hindi siya tatakbo sa alinmang mataas na puwesto sa 2016, hindi pa rin ito inaalis sa listahan ng mga pinagpipilian.

Naniniwala rin si Ty na magkakaroon ng four-way fight sa 2016 presidential elections kung saan kabilang sa mga inaasahang sasabak maliban kina Poe at Duterte ay sina Vice President Jejomar Binay at dating DILG Secretary Mar Roxas.

Aminado si Ty na nanganganib na magkawatak-watak ang Minority Bloc sa Kamara dahil pinaghatian na nina Poe at Roxas ang kanilang grupo ngayong wala pang deklarasyon si Duterte.

Ayon kay Ty, sinuportahan ng kanilang lider na si house minority leader Ronaldo Zamora at ng mga militanteng mambabatas ang kandidatura ni Poe habang ang iba naman ay nasa kampo ni Roxas.

Samantala, hindi pa rin sumusuko ang Volunteers Against Crime and Corruption (VACC) sa kanilang pagsusulong ng ‘Duterte for President’ sa 2016.
Sinabi ni VACC founding chairman Dante Jimenez na hindi maaaring balewalain na lamang ni Duterte ang malaking bilang ng mga supporters na naniniwalang siya ang ‘Best Choice’ sa Malacañang.

Dahil dito, isang malaking rally ang nakatakda sa Luneta sa September 26 upang ipanawagan ang pagtakbo ng alkalde sa 2016 presidential elections.

comments powered by Disqus