MENU
LPGMA Logo

News & Events

April 23, 2015

CONSUMERS INIISAHAN NG MERALCO

Iniisahan ng mga negosyante sa industriya ng kuryente ang mga consumers dahil sa halip na magbaba ang mga ito ng presyo dahil sa pagbaba ng kanilang gastusin ay nagtataas pa ang mga ito ng singil.
 
Ganito inilarawan ni House deputy minority leader Arnel Ty ang ipapatupad na power rate increase ng Manila Electric Company (Meralco) na P0.46 per kilowatt-hour ngayong Abril at P0.72 naman sa Mayo.
 
Idinahilan umano ng Meralco ang pagsasara ng Malampanya natural gas field sa loob ng 30-araw, subalit ayon kay Ty, hindi ito makatarungan sa mga consumers dahil bumaba naman ang gastusin ng mga power producers.
 
“Electricity rates nationwide should stay depressed, amid the general decline in the cost of primary energy sources. It is not just the cost of oil that is down. Coal prices are also deflated,” ani Ty.
 
Sa katunayan, aniya, nababawasan na ang tariffs o buwis ng mga geothermal power producers para makapagkumpitensya ang mga ito sa mga coal-base electricity suppliers.
 
Inihalimbawa ni Ty ang Energy Development Co. (ECD) na binabaan umano ng 7.5% ang kanilang regular na buwis kaya wala aniyang dahilan para magtaas ang mga ito ng singil sa kuryente.
 
Nabatid na sa ngayon, 41.4% sa mga power supply ng bansa ay mula sa geothermal; 28% ay mula sa coal plant; 15% ay natural gas; 11.4% ay mula sa hydropower plant; 3.9% ay nanggagaling sa diesel o fuel oil at ang iba mula sa biomass, biodiesel, solar at wind energy.
 
“Power rates should be going down, on account of the overall decline in energy costs. If producers are cutting their tariffs, electricity distributors should be rolling back, and not jacking up their rates,” ayon pa kay Ty.
 
Sinabi pa ng kongresista na kahit nagsara pansa¬mantala ang Malampaya ay hindi naman umano naubusan ng substitute fuel ang mga power generators kaya walang dahilan para magtaas ng singil ang Meralco.
 
comments powered by Disqus