MENU
LPGMA Logo

News & Events

March 18, 2015

BOMBO RADYO: DOJ-DILG, dapat mag-joint probe na lang - solon

Hiniling  ngayon  ng  ilang  mambabatas  na  maging  joint  investigation  na  ang  ginagawangpagsisiyasat ng DILG at DoJ sa usapin ng Mamasapano encounter. Ayon kay LPGMA partylist  Rep.  Arnel  Ty,,  magpapabilis  sa  proseso  ng imbestigasyon kungdalawang ahensya na ang magtutulungan. Malaking kabawasan din umano ito sa resources dahil isang pagkakataon na lang na ipapatawagang mga testigo. Makakatulong din ang mabilis na aksyon upang maiwasan ang tumatagal na demoralisasyon sahanay ng PNP. Pabor naman ang liderato ng Kamara sa joint investigation ng iba pang sumisiyasat sa kaso parasa mabilis na paglabas ng resolusyon.

comments powered by Disqus