MENU
LPGMA Logo

News & Events

April 23, 2015

Bakanteng Puwesto sa Gobyerno, nasa 200K

AABOT sa 200,000 ang bakanteng puwesto o trabaho sa gobyerno gayung marami ang pa rin ang walang trabaho.
 
Binigyan-diin ni House Deputy Minority Leader at LPG-MA Rep. Arnel Ty, na nakahihiya ang sitwasyong ito dahil marami aniya sa mga college graduates at tinatawag na young professionals ang unemployed.
 
“We reckon many of these vacant items are for public elementary and high school teachers. Yet, we have tens of thousands of licensed teachers who are totally jobless,” ayon kay Ty.
 
Pangamba ng kongresista na posibleng mauwi na naman sa “DAPped” ang pondo na dapat sana’y pangsahod sa mga bakanteng posisyon.
 
Marami rin aniya sa panig ng mga guro ang desperado dahil walang mahanap na trabaho at napipilitan ang mga itong tanggapin ang trabahong makabibigay ng sahod na P7,000 kada buwan.
 
Reaksyon ito ni Ty sa ulat ng Department of Budget and Management (DBM) na nagsasabing umakyat sa 22 porsyento ang bakanteng puwesto sa gobyerno na umaabot na sa 188,388 sa taong ito mula sa 154,019 noong 2013.
 
Dahil dito, nanawagan si Ty sa DBM, Department of Labor and Employment (DOLE), Civil Service Commission (CSC) at iba pang ahensiya na magpulong at pag-usapan kung paano mapupunan ang nasabing mga bakanteng puwesto.
 
Sa pinakahuling survey ng Social Weather Stations (SWS) ay may 12.4-milyong Pinoy ang walang hanapbuhay sa huling tatlong buwan ng 2014 kung kaya umabot na sa 27 porsyento ng populasyon ng bansa ang walang trabaho. MELIZA MALUNTAG
 
comments powered by Disqus