MENU
LPGMA Logo

News & Events

March 22, 2016

Alternatibong gamit ‘pag natuyo ang Malampaya

Ngayon pa lamang ay dapat nang maging handa ang pamahalaan kapag natuyuan na ang reserba ng Malampaya gas plant.

Ayon kay LPGMA party-list Rep. Arnel Ty, kapag inabandona na ang planta puwede itong gawing high security prison o marine research station.

ang Malampaya natural gas field na nasa Sinasabing hilagang-kanluran ng Palawan ay magiging produktibo sa loob ng ilang taon. Pero ngayon pa lang ay sinabi na ni Ty na dapat tukuyin na ang iba pang posibleng praktikal na puwedeng mapaggamitan o maging kapakinabangan ng dalawang massive oil rigs sa West Philippine Sea sa sandaling matuyuan na ng supply ang Malampaya.

“The Malampaya gas wells are bound to dry up, be plugged and abandoned, along with the platforms,” ayon kay Ty, senior member ng House committee on energy.

Kapag nabakante na aniya ang gas rig puwede itong i-convert ng Philippine Navy na kanilang outpost.

Hinihimok ni Ty na mag-invest ang gobyerno sa pagkakaroon ng mo­dernong warships nang sa gayon ay mapangalagaan ang oil at gas deposit sa WPS.

Bukod dito, pwede rin aniyang maging research station kung hindi man ay gawing bilangguan ang gas plant.
 

comments powered by Disqus