MENU
LPGMA Logo

News & Events

March 22, 2016

AIRFARE WAR PINALAKPAKAN

Pinalakpakan sa Ma­ba­bang Kapulungan ng Kongreso ang ‘airfare war’ ng mga airline companies na malaking bagay umano sa mga biyahero kasama na ang mga overseas ­Filipino ­workers (OFWs) na mag­­babakasyon ngayong holiday season.

Para kay House de­puty minority ­leader Arnel Ty, ang airfare ng mga airline companies na nag­papababaan ng presyo ng ticket ay bunsod ng pagbaba ng presyo ng krudo sa world market.

There’s no question Filipino air passengers are now feeling the great benefit of ­cheaper jet fuel prices,” ani Ty na umaasang magpapatuloy ang airfare war dahil halos kalahati na ang presyo ang ibinaba kumpara noong nakaraang taon.

Nabatid na sa nga­yon ay $67 na ang presyo ng krudo sa world market mula Enero hanggang Setyembre ng taong kasalukuyan, na 44% na ang ibinaba ­kumpara sa $120 na presyuhan sa parehong mga buwan noong 2014.

Mas mura aniya ang jet fuel dahil pumapalo na lamang ito sa $55.60 kada bariles noong Dis­yembre 4, 2015 na mas mababa ng 10% noong Nobyembre at 36% ng parehong panahon noong nakararang taon.

Our airlines are also making more money, thus allowing them to expand operations and employ more staff. Travel-related services are also being buoyed up,” ayon pa sa mambabatas.

Dahil dito, ­naoobliga ang mga airlines companies na magbaba ng presyo ng kanilang ­ticket para makakuha ng mas maraming pasahero lalo na ngayong holiday season kung saan magbabakasyon ang mga OFWs sa bansa.

Inihalimbawa ng mam­ba­batas ang Cebu Pacific na naniningil na lamang ng P1,088 sa mga domestic flight sa bansa habang mababa na lamang ang pamasahe sa mga bibiyahe sa Guam, Bali, Nagoya, Osaka, Tok­yo at Fukuoka.

comments powered by Disqus