MENU
LPGMA Logo

News & Events

March 22, 2016

AFP modernization dapat ituloy ng papalit kay PNoy

Upang maproteksyunan ang interes ng Pi­lipinas sa West Philippine Sea (WPS), kailangang ipagpatuloy ng susunod na Pangulo ng bansa ang pagbibigay ng mga kagamitan sa Sandata­hang Pilipinas.


Ito ang iginiit ni House deputy minority leader Arnel Ty na nangangambang matigil din ang sinimulan ni Pangulong Benigno ‘Noynoy’ Aquino III na pag-armas ng todo sa Armed Forces of the Phi­lippines (AFP) kapag natapos na ang termino nito.


Ayon sa mambabatas, mahalagang buhusan ng susunod na Pangulo ng bansa ng pondo ang AFP partikular na ang Philippine Navy, may hidwaan man o hindi ang bansa sa China sa nasabing karagatan, upang maproteksyunan ng Pilipinas ang interes sa nasabing teritoryo.


“We have to invest in new warships to secure the West Philippine Sea’s huge oil and gas deposits, which are the key to our energy independence,” ayon kay Ty kahapon.


Kahit hindi umano matapatan ng Pilipinas ang Navy assets ng China ay sapat na magkaroon ng katulad ng Indonesia na namuhunan nang husto sa kanilang navy kaya napoprotektahan ng mga ito ang kanilang territorial waters.


Sa ilalim aniya ng Aquino administration, umaabot na sa P50.73 bil­yon ang ginastos para sa Capability Upgrade Program (CUP) ng AFP at madadagdagan pa ito ng P25 bilyon ngayong taon.


“Still, the next administration has to spend more to quickly build-up the AFP, especially the Philippine Navy,” ani Ty dahil kailangan pa ng mga dagdag na gamitan upang maprotektahan ang mga likas na yaman tulad ng langis na nanganganib na mapasakamay ng China kapag nagkataon.


Tinataya ni Ty na hindi na kailangang mag-angkat ang Pilipinas ng langis sa loob ng 27 taon kapag tayo ang nakinabang sa yamang ito sa ilalim ng West Phi­lippine Sea.

comments powered by Disqus