MENU
LPGMA Logo

News & Events

October 24, 2014

ABANTE: Tulong-tulong sa pagtitipid ng kuryente

Nanawagan ang isang mambabatas sa Kamara sa iba pang mga kumpanya o establisyimento sa bansa na malakas kumunsumo ng kuryente na gayahin ang inisyatibo ng ilan na nangakong makikibahagi sa interruptible load program (ILP) sa pamamagitan ng paggamit ng sarili nilang mga generator set.

Ang apela ay ginawa ni House Deputy Minority Leader at PGMA Rep. Arnel Ty matapos ang pagboluntaryo nang may 22 kumpanya na gamitin ang kani-kanilang generator set para sa nakaambang power crisis sa summer ng 2015.

Kabilang sa mga korporasyong nagpa-abiso ng tulong ay ang Ayala Land Inc., Alphaland Development Inc., Philippine Long Distance Telecommunication (PLDT), Megaworld Corporation, Robinsons Land Corporation, SM Prime Holdings Inc., Waltermart at marami pang iba.

Sinabi pa ng mambabatas na tiniyak ng mga kumpanya na io-operate ang kani-kanilang standby generators mula Pebrero hanggang Hunyo 2015.

comments powered by Disqus