MENU
LPGMA Logo

News & Events

January 20, 2015

ABANTE TONITE P1 billion fire trucks missing?

Pinalalantad sa Department of the Interior and Local Government (DILG) kung anu-anong syudad at munisipalidad and nakatanggap ng mga bagong fire truck sa ilalim ng modernization program ng Bureau of Fire Protection (BFP).

Ayon kay House Deputy Minority Leader at LPG Marketer's Association (LPG-MA) Rep. Arnel Ty, umaabot sa P1B ang ipinagkatiwala ng Kongreso sa DILG para sa 117 bagong fire trucks.

“People are starting to ask where these new (firefighting) vehicles are.  They haven't seen the trucks responding to fire emergencies.  What they see right away are the trucks of the Filipino-chinese Volunteer Fire Brigades,” sabi ng solon.

Karapatan ng publiko na malaman kung alinmang local government units (LGUs) ang nabigyan ng mga bagong fire trucks, dagdag ng solon.

Kinalampag ng solon ang kagawarankaakibat ng itinaas na high alert ng BFP kabuntot ng mga pinangangambahang sunog dulot ng mga aksidenteng hatid ng mga paputok sa pagsalubong sa Bagong Taon.

comments powered by Disqus