MENU
LPGMA Logo

News & Events

October 7, 2014

ABANTE: Power crisis plan, nakabuyangyang sa corruption

Lantad umano sa political corruption ang mga pinaplantsang plano na ipambabangga sa po­wer crisis, ayon sa isang mambabatas.


Ibinabala ni House Deputy Minority Leader at LPG-MA Rep. Arnel Ty na masyadong bukas sa katiwalian ang plano ng gobyerno na umupa at magpagana ng diesel-fired modular generator sets (gensets) para mapunuan ang 600-megawatt (MW) power supply deficit ng Luzon grid sa 2015 summer.


“Offhand, the plan is vulnerable to corruption, particularly in the selection of the foreign supplier of some P6-billion worth of gensets. Hundreds of millions of pesos, possibly billions, worth of fuel supply contracts will also be up for grabs,” ani Ty.


Samantala, mula sa palasyo ng Malacañang, sinabi ni presidential spokesman Edwin Lacier­da na hindi lamang sa ‘joint resolution’, na humihingi ng extra power para kay Pangulong Benigno ‘Noynoy’ Aquino III laban sa parating na power crisis, nakatutok ang palasyo kundi bukas ito sa lahat ng opsyon at formula na makakatulong sa problema.

comments powered by Disqus