MENU
LPGMA Logo

News & Events

December 22, 2014

ABANTE: Oil rollback hostage ng truck ban

Magagamit umanong excuse ng madadaya at mapagsamantala ang diskarte sa pagbibiyahe sa suplay ng langis mula sa Batangas at Bataan para makapagpako ng mataas na singil o kung hindi man ay i-delay ang pagpapatupad ng rollback sa presyo ng gasoline at krudo.

Bunsod nito, hinihirit ni House deputy minority leader at LPG-MA Rep. Arnel Ty na bigyan ng exemption sa truck ban ang mga fuel tanker para mas mabilis na maihatid ang mga supply ng langis kasunod ng pagpapasara sa Pandacan depot alinsunod sa direktiba ng Korte Suprema.

“The MMDA may have to exempt fuel tanker trucks from the road ban, if only to avoid supply disruptions, which may be exploited by abusive  traders as an excuse to prop up pump prices, or to delay further price rollbacks,” sabi ni Ty.

PInagbabawalan ng MMDA ang mga trak sa lansangan na bumiyaha mula alas-sais ng umaga hanggang alas-nuwebe ng umaga at mula alas-singko ng hapon hanggang alas-nuwebe ng gabi, maliban na lamang kung araw ng Linggo at holidays.

comments powered by Disqus