MENU
LPGMA Logo

News & Events

December 4, 2015

4-WAY FIGHT AMOY NA!

Kahit ilang beses nang nagsabi si Davao City Mayor Rodrigo Duterte na hindi siya tatakbo sa alinmang mataas na puwesto sa 2016, hindi pa rin ito inaalis sa listahan ng mga pinagpipilian at ayon pa sa isang kongresista, nangangamoy pa rin ang 4-way fight sa parating na presidential race.

Kahapon ay ibinun­yag ni House deputy minority leader Arnel Ty na tuluyan nang nawasak ang minority bloc sa Kamara dahil nagkakanya-kanya ngayon ng susuporta­hang presidential candidate ang opposition group at hindi pa rin nawawala ang pangalan ni Duterte sa kanilang opsyon.

Kung mangyayari ang pagsabak ni Duterte sa presidential elections, lalo kung madadagdagan pa ng isang presidential aspirant, ang magiging pinakadehado umano sa lahat ay si Poe.

As a presidential hopeful, in a four- or five-way fight, Senator Poe will be up against tough and tested rivals who will surely give her a run for her money,” pag-analisa ni Ty.

Taliwas ito, aniya, kung tatakbo si Poe bilang bise presidente dahil siguradong siya na ang mananalo at hindi na nito kailangang magpakapagod at gumastos para sa nasabing posisyon.

If Poe runs for vice president, she is ‘virtually unbeatable’ in 2016, regardless whether she runs in tandem with Roxas, Binay, Davao City Mayor Rodrigo Duterte, or Sen. Miriam Santiago,” dagdag pa ni Ty.

Noong nakaraang linggo ay nagdeklara na si Poe na tatakbo katambal si Sen. Francis ‘Chiz’ Escudero subalit umaasa si Ty na magbabago pa ang isip nito bago dumating ang deadline sa paghahain ng certificate of candidacy (COC) sa Oktubre 12 hanggang 16 ng taong kasalukuyan.

Senator Poe is fairly young at 47. She can always run for president in 2022, when she will be 53 years old. Meantime, she should seek the vice presidency to obtain more experience,” ayon pa sa mambabatas.

Aminado si Ty na dahil sa mga presidentiables, lumalim na ang biyak sa loob ng minority bloc sa Kamara dahil pinaghatian na nina Poe at Roxas ang kanilang grupo ngayong wala pang deklarasyon si Duterte.

Ayon kay Ty, sinuportahan ng kanilang lider na si House minority leader Ronaldo Zamora kasama ang mga militanteng mambabatas ang kandidatura ni Poe habang ang iba naman tulad ni Yacap partylist Rep. Carol Jane Lopez ay nasa kampo ni Roxas.

Samantala, hindi pa rin sumusuko ang Volun­teers Against Crime and Corruption (VACC) sa kanilang pagsusulong ng ‘Duterte for president’ sa 2016.

Giit ni VACC founding chairman Dante Jimenez, hindi umano maaaring balewalain na lang ng ‘no non-sense’ mayor ng Davao City ang malaking bilang ng mga supporters na naniniwalang siya ang ‘best choice’ sa Malacañang.Huwag sanang ma­ging sarado ang isip ni Mayor Duterte. Nakakalungkot kung hindi niya pagbibigyan ang panawagan ng mga kababayan natin na sawang-sawa nang araw-araw may patayan, araw-araw may rape, araw-araw may mga carnapping, kidnapping at saka murder, riding-in-tandem, drugs,” ani Jimenez.

Sa September 26, Sabado, ay nakatakda ang isang malaking rally sa Luneta upang ipanawagan ang pagtakbo ng alkalde sa 2016 presidential elections.

comments powered by Disqus